Umabot na sa ‘Super Typhoon’ category ang binabantayang bagyong Leon na nasa karagatan malapit sa Northern Luzon.
Sa kategoryang ito, malaki na ang panganib na dala ng bagyo kabilang ang malakas na hangin at ulan, pagbaha, at daluyong o storm surge.
Sa 11am weather forecast ng PAGASA, huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 350km silangan ng Calayan sa Cagayan.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 185km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 230km/h.
Nananatili sa Signal No. 3 ang Batanes, eastern portion ng Babuyan Islands (Babuyan Is., Camiguin Is., Calayan Is.,), at northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana) dahil sa banta ng Super Typhoon Leon.
Nasa signal no. 2 naman ang nalalabing bahagi ng Babuyan Islands, nalalabing bahagi ng mainland Cagayan, northern at eastern portions ng Isabela (Santo Tomas, Santa Maria, Quezon, San Mariano, Naguilian, Dinapigue, Delfin Albano, San Pablo, Ilagan City, Benito Soliven, Tumauini, Cabagan, Palanan, Quirino, Divilacan, Gamu, Mallig, Maconacon, Burgos, City of Cauayan, San Guillermo, Angadanan, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Roxas, Aurora, San Manuel), Apayao, Kalinga, northern at eastern portions ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Daguioman), eastern portion ng Mountain Province (Paracelis), at Ilocos Norte.
Habang nasa signal no. 1 ang nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, the rest of Mountain Province, Ifugao, Benguet, the rest of Abra, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Nueva Ecija, Aurora, the northeastern portion of Tarlac (Camiling, San Clemente, Paniqui, Moncada, Anao, San Manuel, Pura, Ramos, Victoria, Gerona, Santa Ignacia, City of Tarlac, La Paz), the northern portion of Bulacan (Doña Remedios Trinidad, San Miguel), the northern portion of Quezon (Infanta, General Nakar) including Polillo Islands, Camarines Norte, the northern portion of Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan), and the northern and eastern portions of Catanduanes (Pandan, Gigmoto, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Baras, Caramoran).
Ayon sa PAGASA, posibleng itaas sa Signal no. 4 ang Wind Signal sa Batanes mamayang hapon dahil sa banta ng Bagyong Leon.
Nananatili rin ang babala sa storm surge sa coastal localities of Batanes at Babuyan Islands habang nakataas din ang gale warning sa seaboard ng Northern Luzon at eastern seaboards ng Central at Southern Luzon.
Inaasahan pa rin ang patuloy na pagkilos pa-kanlurang hilaga ng bagyo hanggang sa mag-landfall ito sa silangang baybayin ng Taiwan bukas (Oktubre 31) ng hapon.
Bagamat nasa karagatan, pinakamalapit naman ang distansya ng bagyo sa Batanes mula ngayong gabi hanggang bukas ng umaga. | ulat ni Merry Ann Bastasa