Kinumpirma ni incumbent Bicol Saro Party-list Rep. Brian Yamsuan na tatakbo pa rin ang Bicol Saro Party-list sa 2025 mid-term elections.
Ito ang nilinaw ni Yamsuan kasunod ng kaniyang paghahain ng certificate of candidacy sa pagka district representative sa Muntinlupa.
Aniya sa mga susunod na araw ang maghahain ng COC ang Bicol Saro at magkakaroon ito ng bagong kinatawan.
Tatapusin naman aniya niya ang kaniyang termino bilang kinatawan ng party-list hanggang June 30.
Aminado si Yamsuan na magiging maganda ang laban sa tinatakbukang distrito sa Parañaque kung saan niya makakalaban ang kasamahang kongresista na si Rep. Gus Tambunting.
Aniya, sa kaniyang pag-iikot, nakausap nya ang mga taga Parañaque na mismong humimok sa kaniya na tumakbo lalo at marami naman na aniya siyang naiambag sa Bicol region bilang kinatawan ng Bicol Saro.| ulat ni Kathleen Forbes