Itinanggi ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na may balak siyang tumakbo sa Senado sa darating na 2025 midterm elections.
Sa isang pahayag kaniyang sinabi na wala na siyang balak na gampanan muli ang papel ng pagiging senador.
Sabi pa niya, Setyembre pa lang ay inanunsyo na niya ang kanilang kandidatura para sa kaniyang ikalawang termino bilang Pampanga 2nd district representative.
Dito aniya niya mas itutuon ang atensyon sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga kababayan at probinsya ng Pampanga.
Samantala ang kapwa Kapampangan naman niya na si Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta, inanunsyo rin na sasabak muli sa senatorial race.
Sa isang Facebook video, sinabi ni Marcoleta na nag-udyok sa kaniya na muling tumakbo ay ang mga nangyaring kaganapang pampulitika kamakailan.
Matatandaan na bahagi ng UniTeam senatorial slate noong 2022 si Marcoleta ngunit kalaunan ay umatras sa kalagitnaan ng kampanya.| ulat ni Kathleen Forbes