Inanunsiyo na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pilot launching ng “Walang Gutom Kitchen” sa pagtatapos ng taong 2024.
Inaasahan dito ng DSWD ang malawakang pagtutulungan ng mga private corporation na hinimok na mag donate ng goods sa food bank ng kusina.
Ipinaliwanag ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang mga detalye ng programa ng Walang Gutom Kitchen sa pakikipagpulong sa mga executive ng mga kumpanya.
Target ng DSWD sa programa ang ‘families and individuals in street situations’ sa ilalim ng Pag-abot Program at mga eligible beneficiaries ng Walang Gutom Program (WGP).
Nakatakda ito para sa pilot-test sa Disyembre, ito ay ilulunsad sa dating Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa Pasay na nai-turn over sa DSWD. | ulat ni Rey Ferrer