Gastos para sa pagpapagawa ng NSB, posibleng umabot ng higit ₱33-B

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilatag ni Senate Committee on Accounts Chairperson, Senador Alan Peter Cayetano ang dalawang bagay na ikinabahala niya sa plano para sa New Senate Building.

Ayon kay Cayetano, matapos ang rebyu na ginawa nila sa plano ng pagpapatayo ng bagong gusali ng Senado, kasama sa mga hindi nila sinasang-ayunan na tugon ng DPWH ay ang timeline para sa pagtatapos ng proyekto at ang budget na kakailanganin para maisakatuparan ito.

Base kasi aniya sa tantiya ng DPWH, aabutin ng 36-48 buwan o 3-4 taon ang pagkumpleto sa bagong Senate building.

Pero ipinunto ni Cayetano na una nang sinabi ng DPWH na nasa 70 percent nang kumpleto ang proyekto kaya dapat sana, sa projection ng Senado, ay makalipat na sila sa bagong gusali sa katapusan ng 2026 o sa unang bahagi ng 2027.

Ayon kay cayetano, nitong Setyembre lang natapos ang final design ng New Senate Building.

Mula sa naunang projection na P21 billion at P27 billion, ngayon ay nasa P31.6 billion na ang projected total cost ng New Senate Building.

Pero kung isasama pa ang presyo ng lupa at iba pang gamit ay aabot sa higit P33 billion ang magagasta para sa NSB.

Sisikapin aniya ng senado na mapababa pa ang costing ng konstruksyon ng new senate building at mapabilis ang pagpapagawa nito.

tiniyak naman ni cayetano na tuloy tuloy pa rin ang konstruksyon ng NSB sa kabila ng ginagawa nilang mga rebyu. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us