Umaabot sa P186.22 billion ang binayarang utang ng Bureau of the Treasury (BTr) sa buwan ng Agosto.
Ang debt payment ay kabayaran sa foreign at domestic na utang ng gobyerno.
Base sa pinakahuling datos ng BTr, ang amortization sa prinicipal na utang para sa domestic debt ay nasa P122.03 billion pesos habang nasa foreign creditors ay nasa P11.4 billion.
Ang interest payment ay nasa P52.78 billion.
Kasama na sa interest payment sa local borrowing ang mga investment sa fixed-rate Treasury bonds, retail Treasury bonds, Treasury bills (T-bills), at iba pa.
Kung ikukumpara ang overall debt payment sa parehas na buwan noong 2023, mas mababa ito ng 1.49 percent.
Ayon sa ilang mga ekonomista sa bansa, ito ay dahil sa bumaba ang prinicipal payment, bahagi ng istratehiya ng gobyerno para i-manage ang utang ng bansa, lumiit na maturity ng utang at paglakas ng piso.| ulat ni Melany V. Reyes