Pumasok na sa imbestigasyon ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig kaugnay sa insidente ng “bullying” sa isang estudyante na nag-viral pa sa social media.
Sa isang pahayag, sinabi ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig na nakikipag-ugnayan na sila sa Pasig Schools Division Office hinggil dito.
Sa viral video, makikita ang estudyante na pinalahuhod at ilang beses na sinampal ang mukha habang napapalibutan ng mga lalaki.
Ayon sa Pasig LGU, bagaman ang Pasig Schools Division Office ang may saklaw sa kaso, hindi pa rin nila kinokonsinte ang nangyari.
Nanawagan naman ang Pasig LGU na bilang proteksyon sa parehong estudyante ay maging maingat sa pagpapakalat ng video. | ulat ni Jaymark Dagala