Nakatakdang makatanggap ng mahigit ₱2.5 milyon halaga ng kagamitang pangsaka at iba pang mga tulong mula sa Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng Special Area for Agricultural Development (SAAD) Program ang mahigit 600 mga magsasaka mula sa 26 na mga prayoridad na lugar sa mga lalawigan ng Lanao del Norte, Misamis Oriental, Misamis Occidental, at Camiguin.
Ipapamahagi ang iba’t ibang kagamitan sa mga asosasyon at kooperatiba ng mga magsasaka na benepisyaryo ng SAAD program simula ngayong buwan ng Oktubre 2024.
Inaasahan ng naturang programa na palakasin ang mga magsasaka sa Northern Mindanao Region upang mas mapatatag ang pamamahala ng kanilang mga pananim at produksyon ng mga poultry livelihood projects.
Layunin ng SAAD program phase 2 na bigyang-kakayahan ang mga magsasaka mula sa 5th at 6th class municipalities sa Northern Mindanao Region upang magtatag ng isang negosyong pang-agrikultura, kung saan magkakaroon sila ng kakayahang mag-produce, magproseso, at ibenta ang kanilang sariling mga produkto. | ulat ni Sharif Timhar | RP1 Iligan