Isa lang ang naghain ng certificate of candidacy (COC) sa posisyong vice mayor at kinatawan ng nag-iisang distrito ng Butuan City, habang lima ang magkakatunggali para sa mayor na posisyon.
Umaabot naman sa tatlumpu’t tatlong aspirante pagka-konsehal ang nagsumite ng kanilang COC, lima rito ay mga incumbent.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas Butuan kay City Election Officer Atty Tristan Niog, sinabi nito na maayos ang pangkalahatan ng COC filing at nagpasalamat sa Butuan City Police Office na nagtalaga ng maraming pwersa upang panatilihin ang kaayusan at naiwasan ang kagulohan o ano mang tensiyon lalo na sa huling araw ng COC filing na nagsabay ang mga nagnanais sumabak sa halalan.
Dagdag pa ni Atty Niog, sa pagsara ng COC Filing alas singko ng hapon, walang natanggap ang Comelec na umatras at naghain ng substitution.| ulat ni Jocelyn Morano| RP1 Butuan