Umabot na sa 31 ang kabuuang bilang ng mga naghain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa pagka-kongresista sa Metro Manila sa ikatlong araw ng filing para sa 2025 midterm elections.
Sa bilang na ito, 13 ang naghain noong unang araw ng COC filing, habang walo naman sa ikalawang araw ng filing, at 10 naman ngayong araw.
Kabilang sa mga nadagdag sa naghain ng COC ngayong araw sina Rolando Aguilar na tatakbo sa ikalawang distrito ng Parañaque City at si Luisito Redoble na tatakbo bilang kinatawan ng Las Piñas.
Inaasahan din ng Comelec-NCR na marami pa ang hahabol sa COC filing sa mga susunod na araw lalo na sa October 8 na pinaniniwalaan ng ilang kandidato na umano’y masuwerteng numero. | ulat ni Diane Lear