Nakatakdang isagawa ngayong araw (October 31) sa Libingan ng mga Bayani ang pag-aalay ng mga bandila ng Pilipinas at pagsisindi ng mga kandila sa lahat ng puntod sa naturang sementeryo.
Ito ay bilang paggunita sa kabayanihan ng mga sundalong Pilipino na nag-alay ng kanilang buhay para sa bayan.
Magsisimula ang programa mamayang alas-4 ng hapon sa pamamagitan ng isang misa.
Susundan ito ng mensahe mula sa panauhing pandangal na si Phil. Veterans Affairs Office Usec. Reynaldo Mapagu.
Ito rin ang mangunguna sa pagsisindi ng kandila at paglalagay ng banderitas sa mga labi ng yumao bandang alas-6 ng gabi.
Isasagawa ang paggunita sa mga bayaning sundalo sa Tomb of the Unknown Soldier sa loob ng Libingan ng mga Bayani. | ulat ni Lorenz Tanjoco