Pinayuhan ng isang think tank ang pamahalaan na mag-invest sa technology at security experts para sa laban nito kontra fraudsters, at sinabing hindi sapat ang ‘palakasin’ lamang ang SIM registration law.
Sa isang statement sa Facebook, sinabi ng Stratbase ADR Institute na ang mga kriminal na namamayagpag sa online world at ine-enjoy ang kapangyarihan ng ‘anonymity’ ang resulta ng kabiguang ipatupad ang mga umiiral na regulasyon.
“This is why we believe that merely amending the SIM Card Registration Act, specifically by putting a cap on the number of SIMs any individual can own and register, is not enough to stop the nefarious activities of these scammers,” wika ni Stratbase President Prof. Dindo Manhit.
Sinabi rin ni Manhit na ang panukala ng Senado na palakasin ang SIM registration law ay mangangailangan sa huli ng mas mahusay na pagpapatupad ng batas, na siya talagang kailangan nito.
Ayon naman kay DICT Spokesperson Assistant Secretary Renato ‘Aboy’ Paraiso, ang mga scammer ay gumagamit ngayon ng internet-based messaging platforms para sa mga krimen tulad ng Viber at Messenger, at gumagamit din ng foreign sims.
“Fraudsters are a threat not only to individuals, all business enterprises, and government institutions. This problem demands solutions that are deliberate and decisive, and this can be achieved by more effective enforcement rather than by adding to the list of items to enforce,” dagdag pa niya.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), ang bilang ng cybercrimes ay tumaas ng 21.8 percent sa first quarter ng 2024, kumpara sa kaparehong panahon noong 2023.
Iniulat ng American cybersecurity company Palo Alto Networks na ang Pilipinas ay nakaranas ng pinakamaraming cyberattacks sa Southeast Asian region noong 2023 kumpara sa mga karatig-bansa.
Sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary na mayroon lamang 200 Filipino cybersecurity experts kumpara sa 2,000 ng Singapore, dahil karamihan sa mga eksperto ay nagtatrabaho sa ibang bansa.
Ayon sa National Association of Data Protection Officers of the Philippines (NADPOP), ang Pilipinas ay nangangailangan ng 180,000 cybersecurity professionals upang saklawin ang critical areas ng Philippine industries.
Hinikayat din ni Senador Win Gatchalian ang DICT na ituring ang cyber security bilang national concern.