Nag-abiso na sa mga motorista ang North Luzon Expressway Corporation sa posibleng pagbigat ng daloy ng trapiko sa NLEX.
Kaugnay ito sa isasagawang “Guts World Tour” ng singer na si Olivia Rodrigo sa Philippine Arena mula ala una ng hapon hanggang alas dies ng gabi.
Pinapayuhan ang mga magtutungo sa lugar, na maaari silang dumaan sa NLEX Ciudad Victoria Exit.
Hinihimok din ang ibang motorista na gamitin muna ang ibang alternate routes.
Nagtalaga na ng mga traffic personnel sa NLEX Covered Areas para magbigay ng assistance sa mga motorista.
Bumisita sa bansa ang singer mula sa Singapore Leg ng kanyang GUTS World Tour para dito naman magsagawa ng konsyerto.| ulat ni Rey Ferrer