Pinabibilisan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Energy (DOE) na apurahin ang integrasyon ng lahat ng aplikasyon at proseso para sa energy projects, sa iisang Energy Virtual One-Stop Shop (EVOSS).
Sa sectoral meeting na ginanap sa Malacaรฑang ngayong araw (October 1) isa sa mga tinalakay ay ang streamlining o pagpapadali sa mga energy project applications na natatanggap ng Pilipinas.
Sa ganitong paraan, mas marami pang mamumuhunan sa sektor ng enerhiya, ang mai-engganyong pumasok sa bansa.
Kaugnay nito, nais rin ng Pangulo na ipagbigay-alam ng DOE nang mas maaga sa mga ahensya ang tungkol sa mga endorsement upang masimulan na agad ang permit processing bago pa dumating ang rekomendasyon.
“I have also directed the ๐๐ข๐ to fully integrate energy-related processes into the ๐๐ฉ๐ข๐ฆ๐ฆ by June 2028, to speed up the processing of permits and to attract more investments in our energy sector. We remain committed to delivering real progress for a better and stronger ๐ฝ๐๐๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐จ.” โPangulong Marcos.
Sinabi naman ni Energy Secretary Raphael Lotilla na ipatutupad nila ang mungkahi ni Pangulong Marcos.
Kung matatandaan, kabilang ang matagal na permit processing at kaliwaโt kanang permits at clearances na kailangan sa mga dahilan kung bakit nagdadalawang-isip ang mga investor na maglagak ng negosyo sa bansa, bagay na unti-unti na namang tinutugunan ng Marcos Administration.| ulat ni Racquel Bayan