Siniguro ng Department of Migrant Workers (DMW) na ipaaabot ng pamahalaan ang lahat ng tulong na kakailanganin ng pamilya ng Pilipinong binitay sa Saudi Arabia, makaraang makapatay ng isang Saudi national.
Sa ambush interview sa Villamor Airbase, sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na mahigpit na ang ginagawa nilang pakikipag-ugnayan sa DFA para rito.
Ayon sa kalihim, una na ring nakabisita ang kanilang hanay sa pamilya ng binitay na Pilipino upang magpaabot ng suporta, at alamin kung ano pa ang kanilang kailangan.
“We’re working closely with the DFA on that matter. And then, rest assured that we’re assisting the family. The DMW has visited the family for support and assistance.” — Cacdac.
Pagsisisguro ng kalihim, ginawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito upang matulungan ang kaso ng Pilipino sa simula pa lamang ng paglilitis dito.
“Requesting at most privacy but rest assured we’re assisting the family. And this is a case na medyo matagal na rin o nasa OWWA pa ako noon. We’re assisting the family, including the school-age children. ” — Sec. Cacdac. | ulat ni Racquel Bayan