Handang-handa ang iba’t ibang yunit sa Ilocos Norte, kabilang ang Philippine Marines, Philippine Coast Guard, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, pati na rin ang Japan Group Self Defense Force at United States Marine Corps, para sa Humanitarian Assistance and Disaster Relief Demonstration sa 4th Marine Brigade sa Brgy. Bobon, Burgos, Ilocos Norte.
Ayon kay OIC CPT. Kerwin Collado ng 4th Marine Brigade, ang aktibidad na ito ay para sa disaster response at walang kaugnayan sa tensyon sa ibang bansa.
Hangarin ng KAMANDAG o Kaagapay ng mga Mandirigma ng Dagat ay mapabuti pa ang kakayahan ng mga yunit sa pagresponde sa mga nangangailangan sa panahon ng kalamidad. | ulat ni Ranie Dorilag | RP1 Laoag