QC LGU, nag-donate ng ₱10-M sa 9 Bicol LGUs na apektado ng Bagyong Kristine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maglalaan ng P10-M financial assistance ang Quezon City government para sa siyam na local government units (LGUs) sa Bicol region na lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine.

Kasunod ito ng pag-apruba ng Quezon City Council sa Resolution No. SP-9833 para sa paghahatid ng tulong sa mga lalawigang apektado ng kalamidad.

Batay sa resolusyon, makakatanggap ng tig-P2 milyong assistance ang pitong LGUs sa Camarines Sur kabilang ang Iriga City, munisipalidad ng Bato, Nabua, Bula, Buhi, Pili, at Tinambac. 

Tig-isang milyon naman ang ipapamahagi sa Libon at Guinobatan sa Albay Province.

“Ito’y bahagi ng aming tungkulin na tulungan ang aming kapwa lokal na pamahalaan para sila’y makabangon mula sa epekto ng kalamidad,” Belmonte.

Huhugutin ang financial aid sa Quezon City’s accumulated Local Disaster Risk Reduction and Management (LRDDM) Trust Fund. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us