Sama Sama 2024 Joint Exercise ng Pilipinas at Estados Unidos, umarangkada na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsimula na ang Sama Sama 2024 Joint Exercise ng Pilipinas at U.S sa Subic, Zambales.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng Cooperation Afloat Readiness and Training (CARAT) na naglalayong palakasin ang kakayahan ng dalawang bansa sa pagharap sa mga non-traditional security concerns.

Kabilang dito ang territorial defense, man-made disasters, terrorism, maritime security, at transnational crimes

Ang pagsasanay ay tatagal ng dalawang linggo na nahahati sa shore at sea phases.

Inaasahan naman lalahok sa pagsasanay sa sea events ang Royal Canadian Navy, Japan Maritime Self-Defense Force, at French Navy.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us