Suportado ni Senadora Risa Hontiveros ang pagtapyas ng Kamara ng nasa 1.3 billion pesos sa panukalang 2025 budget ng Offoce of the Vice President (OVP) at paglilipat ng pondo sa mga proyekto at programa sa ilalim ng Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Umaasa si Hontiveros na sa pamamagitan ng paglilipat ng pondo sa DOH at DSWD ay magkakaroon ng direktang epekto sa pagpapaganda at pagpapabuto ng health at social services sa Pilipinas.
Nakatakda ring rebyuhin ng senadora ang nasa sampung milyong pisong pondo na hiniling ng OVP para sa isang libro na inakda mismo ni Vice President Sara Duterte.
Para kasi sa Deputy Minority Leader, talagang nakaka raise ito ng mga tanong ng impropriety.
Sa magiging plenary deliberations ng OVP budget, umaasa si Hontiveros na dadalo mg personal si VP sara gaya aniya ng ginagawa ng lahat ng pinuno ng mga ahensya ng gobyerno. | ulat ni Nimfa Asuncion