Sisimulan na ng National Printing Office (NPO) at Commission on Election (COMELEC) ang pag-imprenta ng test ballots para sa 2025 National and Local Elections at BARMM Parliamentary Elections.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, susubukan nila ang pag-imprenta sa dalawang bagong state of the art na printing machine.
Kaya aniya nito na makapag-imprenta ng 500 libong kopya ng balota kada araw.
Target ng NPO na makapag-imprenta ng 1.2 milyong test ballots ngayong araw.
Una nang itinurn-over ng MIRU System Company Limited sa COMELEC at NPO ang dalawang printing machine na gagamitin sa 2025 Midterm Elections.
Bawat isang makina, ayon sa COMELEC, ay nagkakahalaga ng P300 million.| ulat ni Rey Ferrer