Nasungkit ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang “Best Recirculation/ Distribution Initiative or Innovation” award mula International Association of Currency Affairs (IACA).
Ito ay dahil sa inilunsad ng Bangko Sentral na Coin Deposit Machines (CoDMs) sa buong Metro Manila.
Tinanggap ni BSP Assistant Governor Rosabel Guerrero ang parangal sa ginanap na IACA’s “2024 Excellence in Currency Awards for Coin” sa Lisbon, Portugal.
Ayon sa IACA, nahikayat ng CoDMs ang mga Pinoy na ilabas ang mga natatagong barya at ipalit ito ng e-wallet credits at shopping vouchers, bagay na kinilala ng organisasyon dahil sa forward-thinking approach ng BSP para sa efficient and sustainable Philippine coin cycle.
Kinilala din ng award-giving entity ang positibong naidulot ng CoDMs’ sa buhay ng mga Pilipino ukol sa kanilang mga financial transaction.
Ang programa ay inilunsad noong 2023, kung saan umaabot na sa PHP1 billion na halaga ng barya ang nakalap mula 25 machines na nakatalaga sa iba’t ibang shopping mall sa greater Manila Area. | ulat ni Melany Reyes