Papuntang Basco, Batanes ang BRP Davao Del Sur ng Philippine Navy para maghatid ng tulong at mga suplay para sa mga residente na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.
Sa ulat ng Office of Civil Defense, sakay na ng BRP Davao Del Sur ang higit 100 tonelada ng relief goods kabilang ang bigas, food packs, hygiene kits, at construction materials.
Mula ito sa pinagsama-samang ambag ng OCD, iba’t ibang ahensya ng gobyerno, at pribadong sektor.
Ayon sa OCD, ang BRP Davao Del Sur ay agad maglalayag patungo ng Batanes kapag gumanda ang lagay ng panahon. | ulat ni Rey Ferrer