Giit ng mambabatas, walang puwang sa lipunan ang pagiging astig at mapang-insultong lider.
Humingi ng paumanhin sa mga kababaihan at LGBTQ community si House Committee on Women and Gender Equality at Bataan Rep. Geraldine Roman sa kanyang ginawang pananahimik noong nakaraang administrasyon.
Ginawa ni Roman ang pahayag sa pagdinig ng panukalang amyenda sa Safe Spaces Act.
Ayon sa mambabatas, siya ay labis na nalulungkot sa kanyang pananahimik noong panahon na talamak ang misogynistic remarks ng dating pangulong Rodrigo Duterte.
Inamin niya na hindi niya intensyong manahimik pero dahil sa takot sa political prosecution at kawalan ng freedom of speech.
Binigyang diin ng lawmaker na walang puwang sa gobyerno at lipunan ang sexual harassment, misogynist, transphobic, homophobic and sexist slurs.
Aniya, hindi tatak ng isang mabuting lider ang pagiging astig, mapang-insulto sa mga kababaihan. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes