Biyahe ng mga bus pa-Bicol at ilang lalawigan sa Mindanao, kanselado ayon sa PITX, dahil sa bagyong Pepito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kanselado ang ilang biyahe ngayong araw, November 16, 2024, sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), dulot ng epekto ng bagyong Pepito.

Ayon sa pamunuan ng PITX, kabilang sa mga naapektuhan ang mga biyaheng papunta sa San Jose, Legazpi, Matnog, at iba pang bahagi ng Bicol Region. Kabilang dito ang biyahe ng Peñafrancia papuntang Legazpi 9:30AM, gayundin ang mga biyahe ng Philtranco, patungong Davao, at Cagayan de Oro.

Ang nasabing sitwasyon ay dulot ng mahigpit na pagbabawal sa paglalayag sa Batangas at Matnog ports, na apektado ng sama ng panahon.

Pinapayuhan ang mga pasahero ng mga apektadong biyahe na huwag nang tumuloy sa terminal at maghintay ng abiso mula sa kani-kanilang bus operators. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us