Nakapagpatala pa ng 11 volcanic earthquake ang bulkang Kanlaon sa Negros Islands.
Base sa ulat ng PHIVOLCS, palatandaan ito na patuloy pa ang pag-aalburoto ng bulkan at hindi isinasantabi ang muling pagputok.
Sa nakalipas na 24 oras, naitala ang 3,927 toneladang sulfur dioxide na ibinuga ng bulkan.
At plume na aabot sa 1,000 metro ang taas na napadpad sa bahagi ng Timog Kanluran.
Kahapon, nagparamdam ng 28 volcanic earthquake ang Kanlaon at pagbuga ng 4,701 toneladang sulfur dioxide.
Paalala naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Center sa mga mamamayan sa Negros na mag-ingat sa mga ashfall mula sa bulkan.
Nakataas pa rin sa Alert Level 2 ang status ng bulkang Kanlaon sa kasalukuyan. | ulat ni Rey Ferrer