Consumer group, nanawagan sa House QuadCom na sampahan na ng kaso ang mga dating opisyal na dawit sa rice smuggling, patayan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinimok ng isang consumer group ang House Quad Committee (Quadcom) na sampahan na ng kaso ang mga dating opisyal ng gobyerno na idinawit sa isyu ng patayan at agricultural smuggling.

Ayon kay RJ Javellana, presidente ng United Filipino Consumers and Commuters (UFCC), kailangan kasuhan na ng komite sina dating PCSO general manager retired Police Lieutenant Colonel Royina Garma at mga kasama nito dahil sa isyu ng mga patayan.

Nais rin ng consumer group na kasuhan na si dating Presidential economic advisor Michael Yang na iniimbestigahan ng komite matapos masangkot sa rice smuggling na nangyari sa Cagayan De Oro noong 2021.

Lubhang nakaapekto aniya ito sa presyo ng bigas sa merkado at malinaw na isang uri ng economic sabotage.

Mahalaga aniya na maipakitang seryoso at may sinseridad ang nasabing komite sa pagkamit ng hustisya.

Maipapakita aniya sa pagsasampa ng kaso na hindi lamang pulitikal kundi interes ng publiko ang pakay ng isinasagawang pagdinig ng komite.

Matatandaang una ng inihayag ng Quadcom na may sapat nang ebidensya upang kasuhan si Garma kaugnay sa pagpatay kay dating PCSO board secretary Wesley Barayuga noong July 2020. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us