DA, wala pang ulat ng pinsala ni bagyong Marce sa sektor ng agrikultura

Facebook
Twitter
LinkedIn

Wala pang naitalang pinsala ang Department of Agriculture sa sektor ng agrikultura at pangisdaan sa bansa dulot ni bagyong Marce.

Gayunman, magsasagawa pa ng monitoring at validation ang DA kapag may access na sa mga affected areas.

Sakaling may mga naapektuhan ng bagyo, may mga nakahanda namang iba’t ibang porma ng tulong ang ahensya para sa mga apektadong magsasaka.

Ilan dito ang agricultural inputs, tulad ng palay,mais at buto ng mga gulay, pautang ng hanggang P25,000 mula sa Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council at bayad pinsala sa mga apektadong magsasaka mula sa Philippine Crop Insurance Corporation.

Tiniyak din ng DA sa mga lugar na apektado ng bagyong Marce na magsasagawa sila ng price monitoring sa posibleng pagtaas ng presyo ng agricultural commodities at ang pagpapakilos ng KADIWA trucks bilang logistical assistance sa pagtransport ng produktong agrikultural. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us