Itinuro ni dating Special Disbursement Office o SDO ng DEPED, na si Edward Fajarda si security for confidential fund na si Col. Dennis Nolasco, na siyang nakakaalam kung saan dinadala ang confidential fund.
Sa pagharap ni Fajarda sa House Blue Ribbon Committee, sinabi niya na sa isang security office lang niya dinidisburse o iniaabot ang confidential fund, oras na ma-encash mula sa bangko.
Wala rin aniya siya alam sa kung kanino o saan ibinibigay ni Nolasco ang confidential funds, dahil siya lang ang expert pagdating sa confidential operations.
Nagsusumite lang aniya si Nolasco ng quarterly activity plan na paggagamitan ng naturang pondo at saka siya magre-release ng CF.
Pag-amin pa niya sa in cash niya binibigay ang naturang pondo kay Nolasco.
Kinumpirma rin ni Fajarda na siya ang personal na nagwi-withdraw ng pera sa Land Bank, sa loob ng DEPED compound na kaniyang inilalagay sa loob ng duffle bag.
Tinukoy din niya si Nolasco, na siyang nagbibigay ng security sa kaniya kapag siya ang nagwi-withdraw ng pera.
Dahil dito, nagmosyon si Antipolo Rep. Romeo Acop na ipatawag at paharapin si Nolasco sa komite.
Hiniling din kay Fajarda ang kopya ng designation ni Nolasco bilang security officer ng confidential fund.
Ito’y matapos niyang sabihin na ang bise presidente ang nagbigay ng otorisasyon kay Nolasco para siyang maglabas ng naturang confidential funds. | ulat ni Kathleen Forbes