Namahagi ng asistensyang medikal ang Department of Health -Center for Health Development Bicol sa ilang mga bayan sa Camarines Sur.
Nasa 177 na pamilya sa Bula, Camarines Sur ang nakatanggap ng health assistance mula sa ahensya. Nagsagawa sila ng medical consultation, health education, nutrition assessment, at psychosocial interventions noong nakaraang October 28.
Sa bayan naman ng Camaligan, umabot sa 232 na pasyente sa St. Anthony of Padua Parish ang nabigyan ng Pentavalent Vaccine, Tetanus Diphtheria, at anti-pneumonia vaccine. Nagsagawa din sila ng Mental Health and Psychosocial Support (MHPSS) para sa mga bata, buntis, at mga lactating women.
Ayon sa DOH Bicol, bahagi ito ng kanilang pagtugon sa pagbibigay ng asistensya sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine. | ulat ni Paul Hapin | RP1 Albay