DSWD at Unang Ginang, namahagi ng tulong sa pamilya ng mga namatay sa Batangas noong bagyong Kristine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasama ang Department of Social Welfare and Development, namahagi ng tulong si Unang Ginang Liza Araneta Marcos sa Talisay, Batangas, ngayong araw.

Partikular na pinuntahan ng Unang Ginang ang mga pamilya ng mga nasawi sa landslide at baha noong kasagsagan ni bagyong Kristine.

Sa pamamagitan ng Libreng Laboratoryo, Konsulta, at Gamot para sa Lahat (LAB FOR ALL) Program ng Unang Ginang, binigyan ng food at non-food items ang pamilya ng 61 nasawi.

Bawat pamilya ay nakatanggap ng 25-kilo ng bigas; malinis na tubig; medical kit; nanay’s kit; grocery items, at family food packs.

Nagbigay din ng cash assistance ang DigiPlus Interactive na partner ng Lab For All Program.

Nauna nang nakatanggap ng tig-P10,000 ang mga naulilang pamilya mula sa DSWD noong Nobyembre 4. | ulat ni Rey Ferrer

📷DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us