DSWD, nagpadala ng psychosocial responders, sa mga nasalanta ng bagyo na nasa evacuation centers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakapagpadala na ng psychosocial first aid responders ang Department of Social Welfare and Development sa mga evacuation center para tulungan ang mga indibidwal na na-trauma sa mga nagdaang bagyo sa bansa.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, may 30 kabataan ng Agos Elementary School sa Polangui, Albay ang isinailalim na sa psychosocial support.

Habang 63 bata naman ang dumalo sa iba pang inihandang activity sa Barangay Borabod sa munisipalidad ng Libon.

Nagbigay din ang DSWD Bicol Field Office ng psychosocial intervention sa may 21 pamilya sa mga bayan ng Canaman at Camaligan sa Camarines Sur na namatayan ng kaanak.

Sa bayan ng Milaor, Camarines Sur, nagbigay ang DSWD ng art therapy at storytelling sa siyam na kabataan, habang pito naman mula sa Sta Cruz, Canaman ang nakatanggap ng psychological first aid.

Sa Cagayan Valley, binigyan din ng psychosocial support services ng DSWD FO-2 ang dalawa katao na residente ng munisipalidad ng Ambaguio na namatayan ng kaanak dahil kay bagyong Nika, Ofel, at Pepito. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us