Pinayuhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko na huwag magbigay ng limos sa mga palaboy ng lansangan lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan.
Asahan na ang pagkalat sa lansangan ng mga bata, katutubo kabilang ang homeless individuals para humingi ng pamasko at limos.
Katwiran ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, malalagay lang sa alanganin ang buhay ng mga ito lalo na ng mga bata dahil sa mga sasakyan
Ang pagbibigay ng limos o soliciting charitable donations sa mga street individual at religious organization na isinasagawa sa kalsada ay ipinagbabawal alinsunod sa Presidential Decree No. 1563, o Anti-Mendicancy Law.
SA halip aniya na magbigay ng pera o limos ay magbigay na lamang ng tulong sa ibang paraan tulad ng gift-giving, feeding sessions, medical missions, storytelling sessions, at group caroling na may koordinasyon sa Local Government Units.
Para sa organization group na magsasagawa ng fundraising activities gaya ng pangangaroling,maari naman silang humingi ng solicitation permits mula sa DSWD kung ito ay region-wide o nationwide.
Maaaring makakuha din ng permit sa concerned LGU para sa fundraising na ang ‘scope’ ay limitado sa Barangay, City, o Municipality. | ulat ni Rey Ferrer