DTI, target na palakasin ang mga MSMEs sa Northern Luzon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Target ng Department of Trade and Industry na makapagtatag ng karadagang negosyo centers at One-town, One-Product o OTOP Hub sa Northern Luzon.

Sa ginawang pagdinig ng House Committee on North Luzon Growth Quadrangle, nagbigay ng update ang DTI sa mga komite ng kanilang mga nakalinyang proyekto at programa sa susunod na taon.

Sa ngayon mayroong 85 mga negosyo centers sa norte, habang 13 naman ang kanilang target na itatag.

Kasama sa mga aktibidad ang maintenance ng mga negosyo centers, business faciltatoom services, entrepreneurship seminars, at digitalization, at Ariticial Intelligence training sa mga MSMEs, at negosyo centers roadshow.

Samantala, may siyam na OTOP Hubs naman ngayon na nakakalat sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan, habang siyam din ang kanilan target na maitayo para sa 2025, at may target na kita na umaabot sa 7.95 million pesos. | ulat ni Melany Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us