Mula alas-6:00 hanggang alas-9:00 kagabi, may 14,193 katao pa ang bumisita sa limang sementeryo sa Quezon City.
Pinakamaraming bilang ay sa Bagbag Public Cemetery na umabot hanggang 5,008 at Holy Cross Memorial Park na umabot ng 3,625 katao.
Batay sa monitoring ng Quezon City Police District (QCPD), hanggang alas-9:00 ng gabi, umabot na sa na 128,084 ang bilang ng mga bumisita sa limang sementeryo.
Nasa 16,310 sa kabuuang bilang ay mula sa Himlayang Pilipino habang 1,750 naman sa Requerdo Memorial Garden; 37,453 sa Holy Cross; 56,558 sa Bagbag Cemetery at 17,010 sa Novaliches Public Cemetery.
Hindi pa kasama sa bilang ang mga taong nagpunta sa 26 na columbarium sa lungsod.
Ayon sa QCPD, asahan pa ang pagtaas ng bilang dahil marami pa ang pupunta ngayong araw hanggang bukas. Sa pangkalahatan, naging maayos at mapayapa ang sitwasyon sa lahat ng sementeryo at kolumbaryo kahapon at walang naitalang untoward incidents ang pulisya. | ulat ni Rey Ferrer