Himlayang Pilipino, halos mapuno na ng mga bumisita ngayong hapon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa halos nasa 20,000 katao na ang pumasok sa Himlayang Pilipino sa Quezon City mula kaninang umaga hanggang ngayong hapon.

Pagtaya ni Engineer Michael Abiog, Operations Manager ng sementeryo, posible pang umabot hanggang 70,000 ang bibisita hanggang bukas.

Kahapon, may 22,000 katao ang nauna nang dumalaw sa kani-kanilang mga mahal sa buhay.

Marami din ang nagpalipas ng magdamag sa sementeryo at umaga na nang magsiuwian.

Ramdam na rin ang pagbagal ng usad ng mga sasakyan papasok sa loob at maging labas ng Himlayan.

Batay sa datos, mahigit 47,000 ang mga nakalibing sa Himlayang Pilipino. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us