Sinasalamin lamang ng pagpayag ng Indonesia na makauwi na sa Pilipinas si Mary Jane Veloso, ang diplomasyang isinusulong ng Marcos Administration.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), matapos ang higit isang dekadang pakikipag-usap ng Pilipinas sa Indonesia, upang maantala ang paggagawad ng death penalty sa OFW na si Mary Jane Veloso, nagbunga na ang walang humpay na apela ng Pilipinas sa Indonesia para sa kaso ni Veloso.
“After over a decade of diplomacy and consultations with the Indonesian government, we managed to delay her execution long enough to reach an agreement to finally bring her back to the Philippines.” —Pangulong Marcos.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Foreign Affairs Usec. Eduardo de Vega na ang goodwill na ipinamalas na ito ng Indonesia ay sumasalamin rin sa magandang relasyon ng Philippines at Indonesia, at sa commitment ng bansa na protektahan ang OFWs.
“Demonstrates the leadership of President Marcos, his close ties with the Indonesian government, and the Philippine government’s commitment to protecting its overseas workers.” —De Vega.
Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang desisyon na ito ng Indonesia, nagpapakita rin ng matatag ng ugnayan sa pagitan ng Maynila at Jakarta.
Habang binigyang-diin rin ng Pangulo na kapwa isinusulong ng Pilipinas at Indonesia ang hustisya at pagmamalasakit sa kapwa.
“I extend my heartfelt gratitude to President Prabowo Subianto and the Indonesian government for their goodwill. This outcome is a reflection of the depth [of] our nation’s partnership with Indonesia—united in a shared commitment to justice and compassion.” —Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan