Karagdang relief supplies para sa Batanes, nakarating na – DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakarating na sa lalawigan ng Batanes ang 8,995 family food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipinadala noong Linggo.

Ang mga food packs ay sakay ng BRP Gabriela Silang ng Philippine Coast Guard at C-130 aircraft ng Philippine Air Force.

Agad itong ipapamahagi sa mga biktima ng mga nagdaang bagyo at bilang bahagi ng paghahanda sa posibleng epekto ng bagyong Nika.

Kaugnay nito, patuloy pa ang pakikipagtulungan ng DSWD sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office – Batanes, PCG, PAF, Bureau of Fire Protection, PNP, Philippine Army, Philippine Navy, at mga Reservist upang maipadala at maibaba ang mga FFPs sa nasabing probinsya.

Samantala, habang patuloy ang malakas na ulan dulot ng bagyong Nika sa Marag Valley, Luna, Apayao, naideploy na dito ng DSWD Field Office CAR ang Mobile Command Center.

Magagamit din ito ng publiko para sa libreng charging at WiFi at sa isasagawang payout at relief efforts sa lugar. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us