Hindi linya ng Pasay LGU ang magarbong selebrasyon ng Pasko sa kanilang opisina.
Ito ang binigyang-diin ng Pasay Public Information Office matapos ilabas ng Malacañang ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na iwasan ang magarbong Christmas party ngayong taon.
Paliwanag ng Pasay PIO, nataon na Disyembre ang foundation day ng Pasay kaya mas nakatuon ang LGU sa month-long (whole December) celebration sa iba’t ibang programs sa halip na tumutok sa iisang Christmas party.
Malinaw din umano ang direktiba ni Mayor Emi Calixto-Rubiano na mas tutukan ng pondo ng city government ang mga basic at mahahalagang programa tulad ng edukasyon, health services, serbisyo sa mga senior citizen, paglikha ng trabaho, kabuhayan para sa mga Pasayeño, progreso sa negosyo, social services, peace and order, at iba pang mahahalagang serbisyo.
Kaugnay nito, sinabi ng Pasay PIO na naghahanda na sila para sa
ika-161 founding anniversary nito sa December 2, 2025 na may temang Pasayahin 2025: Tuloy-tuloy ang Saya. | ulat ni Lorenz Tanjoco