Ikinalugod ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang natanggap na global recognition ng Pilipinas sa hosting nito ng cruise tours.
Sa Seatrade Cruise Asia 2024, sinabi ng pangulo na noong 2023, kinilala ang bansa bilang Asia’s Best Cruise Destination at World Cruise Awards.
“Last year, we took pride at being recognized as Asia’s Best Cruise Destination and as well at the World Cruise Awards and as well this year, we are recognized as the Best Port of Call at the Asia Cruise Awards.” —Pangulong Marcos.
Ang mga pagkilalang ito ayon sa pangulo, sumasalamin lamang sa potensyal ng bansa, at sa kung ano ang mga mai-aalok ng Pilipinas, para sa development pa sa hinaharap, at sa pagiging global cruise hub ng bansa.
“These accolades are affirmations of our collective vision—one shared by the Department of Tourism, the Philippine Ports Authority, and our local communities—to elevate the Philippines as a premier cruise destination worthy of global recognition.” —Pangulong Marcos
Ayon kay Pangulong Marcos, ang pagtitipon ng mga stakeholder ng industriya para sa taong ito, na ginaganap sa Pilipinas, ay magandang oportunidad para sa bansa, upang hubugin ang kinabukasan nito sa cruise tourism, na magdadala ng pangmatagalang benepisyo sa lahat.
Sabi ng pangulo, ang target ng pamahalaan, hindi lang basta maging daungan ng cruise ships ang bansa, bagkus, makabuo ng pangmatagalang koneksyon sa mga turista, at iparanas ang ganda ng kultura at kaugalian ng mga Pilipino, upang bumalik sa bansa ang mga ito.
“Our goal does not end at welcoming more ships; we aim to create meaningful, lasting connections between travelers and our country. We strive for each cruise call to be a chance for passengers to step into our story, taste the richness of our cuisine, dance to the rhythms of our traditions, and carry beautiful memories of the Philippines back with them.” —Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan