Mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang parte ng Cebu Province, simula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 1, 2024.
Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang ipapatupad na power interruption ay dahil sa isasagawang maintenance activities.
Kabilang sa maaapektuhan ang Cebu Electric Cooperative 1 at 3 o CEBECO 1 at 3.
Sa Nobyembre 30, maghapon na mawawalan ng suplay ng kuryente ang CEBECO 1 dahil sa pagsasaayos ng Samboan Substation na makaaapekto sa 69KV Line ng Samboan-Ginatilan Feeder.
Maghapon din na walang suplay ng kuryente sa Disyembre 1 sa ilang siniserbisyuhan ng CEBECO 3 .
Ayon sa NGCP, magpapalit ng mga poste ng kuryente, line insulators, at line hardwares sa kahabaan ng Calong Calong-Asturias 69KV line. | ulat ni Rey Ferrer