OCD, nanawagan sa publiko na iwasan ang ‘non-essential travel’ sa mga lugar na nasalanta ng Bagyong Marce

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ang Office of Civil Defense (OCD) sa publiko na iwasan muna ang pagpunta sa mga lugar sa hilagang bahagi ng bansa na lubhang naapektuhan ng Bagyong Marce.

Ito ay matapos iulat ng Department of Public Works and Highways na maraming kalsada ang hindi madaanan dahil sa pinsalang dulot ng bagyo.

Kabilang sa mga kalsadang apektado ay ang ruta mula San Vicente hanggang Nakanmuan sa Sabtang, Batanes; at ang kalsada mula Junction hanggang Sta. Margarita Bolos Road sa Gattaran, Cagayan.

Isinara na rin kaninang umaga ang bahagi ng Manila North Road sa Pagudpud, Ilocos Norte, at isolated na ngayon ang dalawang sitio sa bayan ng Adams, matapos na daanan ng bagyo. | ulat ni Diane Lear

📷 OCD – FB: Civil Defense PH

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us