P1.94B halaga ng mga smuggled goods, nasabat ng BOC sa isang warehouse sa Bulacan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasabat ng mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang P1.94 bilyon na halaga ng mga smuggled goods sa Bulacan.

Kabilang sa mga ito ang mga dried tobacco, mga pekeng produkto, ukay-ukay na damit, at iba pang gamit na nakuha sa serye ng mga operasyon nitong nagdaang linggo.

Ayon sa BOC, isinagawa nila ang raid matapos makatanggap ng ulat ukol sa presensya ng mga ilegal na kalakal sa ilang bodega sa Guiguinto, Bulacan.

Pinangunahan ng MICP-Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), kasama ang Enforcement and Security Service at Philippine Coast Guard, ang tatlong araw na operasyon. Natuklasan sa unang bodega noong Nobyembre 6 ang mga secondhand na damit, sapatos, branded bags, at iba pang mga merchandise na may halagang aabot sa P1.25 bilyon.

Samantala, noong Nobyembre 8, natagpuan naman ang mga sako ng tuyong tabako at mga filter rod na nagkakahalaga ng P694.4 milyon.

Ipinasara na ng BOC ang mga bodega at bibigyan ang mga may-ari ng 15 araw para magpakita ng dokumentong nagpapatunay sa legalidad ng mga produkto. Kung hindi makapagpakita ng mga dokumento, sasampahan sila ng patong-patong na mga kaso dahil sa paglabag sa mga batas sang-ayon sa Customs Modernization and Tariff Act, Intellectual Property Code, TRAIN Law, at Anti-Agricultural Economic Sabotage Act. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us