Iginagalang ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ukol sa mga hakbang na maghain ng impeachment complaint laban sa bise presidente.
Paliwanag kasi ni PBBM, wala naman maitutulong ang paghahain ng impeachment case sa layunin ng pamahalaan na mapabuti ang pamumuhay ng mga Pilipino.
Sabi ni Adiong, ipinapakita ng pangulo na iginagalang niya ang separation of powers, at ang kaniyang pagtuon sa pagtugon sa mahalagang mga isyu na hinaharap ng bayan.
Mas lalo lang din aniya nito pinalitaw ang pagkakaiba sa karakter ng pangulo na isinusulong ang kapakanan ng mga Pilipino, kumpara sa bise presidente na tumatakas sa pananagutan.
“This just shows that the president respects the separation of powers and that he is laser focused in addressing the most pressing issues of the nation. There is a striking contrast between the character of the president who is looking out for the welfare of the Filipino people and putting the interest of the country first and the vice president who seems to evade accountability by threatening the security of the highest officials of government.” Sabi ni Adiong.
Muli ring iginiit ni Blue Ribbon Committee Chair Joel Chua na walang pag-uusap ang Kamara ukol sa paghahain ng impeachment complaint.
Sabi ni Chua, bilang mga mambabatas nakatuon ang kanilang atensyon ngayon sa paglikha ng mga batas na tutugon sa mga isyu na kinakaharap ng bansa.
“From the outset wala naman po kaming napaguusapan pa regarding impeachment. Our top priority is to conduct inquiries in aid of legislation. We are lawmakers and our top priority is to legislate laws.” Sabi ni Chua.