Inihain na rin sa kamara ang isang panukalng batas para ipagpaliban ang nakatakdang first regular elections ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa ilalim ng House Bill 11034 na pangunahing inihain ni Speaker Martin Romualdez, iuurong ito sa taong 2026.
Dapat ay sa May 2025 gaganapin ang eleksyon.
Ayon naman kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, isa rin sa mga may akda ng panukala, minabuti nilang ipagpaliban ang eleksyon bilang konsiderasyon sa desisyon ng Korte Suprema na hindi na bahagi ng BARMM ang Sulu.
“We also took into consideration kasi yung ruling ng supreme court na Sulu is no longer part of the BARMM. So may 80 seats kasi diyan. So before the preparation for the election paraphernalia, yung printing of ballots, may epekto yung ruling ng Supreme Court pagdating sa composition ng parliament. So I think that’s one of the consideration that we’re looking at why there is going to be a resetting of the election,” saad ni Adiong.
Maliban dito, pagkakataon din aniya ito na aralin ng palyamento kung ano ang mangyayari sa pitong posisyon na mawawala dahil sa pagkakaaalis ng Sulu.
“From, initially, it’s set next year,and then we will have it in 2026, to give time for the parliament to re-adjust kung anong gagawin dito sa pitong posisyon no,” dagdag pa niya.
Isang kahalintulad na panukala na ang inihain din sa Senado.| ulat ni Kathleen Forbes