Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng mga senador ang Senate Bill 2793 o ang panukalang Natural Gas Industry Development Act.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa naging botohan, 14 na senador ang bumoto ng pabor sa panukala habang 3 naman ang bumotong hindi pabor. Kabilang sa mga senador na bumoto na hindi pabor sina Senador Sherwin Gatchalian, Senate Minority Leader Koko Pimentel at Senador Risa Hontiveros.

Layon ng panukala na itaguyod ang produksyon ng indigenous natural gas at liquefied natural gas sa bansa, ito kasi ang nakikita ng pamahalaan na transition fuel patungo sa paggamit ng renewable energy.

Isinusulong ito sa gitna ng inaasahang pagkaubos ng suplay ng Malampaya Gas Field pagdating ng taong 2027. Sinusuplayan pa naman ng Malampaya ang malaking bahagi ng power requirements ng Pilipinas.

Pangunahing concern naman ng ilang senador na kontra sa pagpapasa ng panukala ang posibilidad na mapamahal ang babayarang kuryente ng mga consumer dahil uunahin ang indigenous natural gas kaysa sa conventional energy source.

Kinakabahala rin ni Gatchalian ang nakasaad sa panukala na walang competitive bidding o price discovery mechanisms para sa procurement ng indigenous natural gas.

Giniit naman ni Senate Committee on Energy Chairperson Sen. Pia Cayetano na may price mechanism namang nakalatag. Kaya naman hindi aniya totoo na ipipilit sa mga consumer ang mas mahal na presyo at walang dapat ikatakot ang ating mga kababayan. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us