Ipinaaabot ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pasasalamat nito kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pag-apruba ng halos P26 bilyong pondo para sa pagbili ng 40 units ng 35-meter Fast Patrol Craft o FPC.
Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, malaking tulong ang mga FPC sa pagpapatupad ng batas sa karagatan, pagsugpo sa ilegal na droga, terorismo, at mga kaso ng human trafficking, gayundin sa pagsasagawa ng search and rescue, at disaster response.
20 unit ng FPC ay bibilhin mula sa France, habang ang natitirang 20 ay bubuuin dito sa Pilipinas, na inaasahang magpapalakas sa shipbuilding capability ng bansa. Bahagi rin ng proyektong ito ang 9-year logistics support program at karagdagang support equipment para sa mga identified PCG bases.
Pinuri naman ni Admiral Gavan ang suporta ng Pangulo sa modernisasyon ng PCG na makatutulong sa kanilang commitment sa pagprotekta ng maritime interests ng bansa at pabibigay seguridad sa buhay ng bawat Pilipino. | ulat ni EJ Lazaro