Inihayag ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na posible nang maialis ang Pilipinas sa “gray list” ng Financial Action Task Force (FATF) sa February 2025.
Sa panayam kay AMLC Executive Director Matthew M. David naniniwala siya matatanggal na sa ‘grey list’ ang bansa at dapat ay masustine ang mga reporma para sa mga susunod na evaluation ng international organization.
Sa susunod na taon nakatakdang pagsagawa ng onsite assessment para beripakahin ang nakamit na reporma ng Pilipinas sa anti-money laundering and counter financing of terrorism (AML/CFT) regime, isa sa findings ng anti dirty money watchdog.
Aniya, malalaman lamang natin ang resulta ng assessment pag in-upload na ng FATF ang statement sa kanilang website.
Ang mahalaga aniya ay isususmite nila ang report bilang back-up sa pagsunod sa labing walong rekomendasyon sa action plan.
Marami pa aniya, dapat gawin ang Pilipinas upang masustine ang progreso. Kabilang na dito ang pagsasampa ng kaso para sa money laundering and terrorism financing ngayong darating na Disyembre at Enero 2025 at amyenda sa Anti-Money Laundering Act.| ulat ni Melany V. Reyes