Posibleng pagpapauwi kay Mary Jane Veloso, welcome sa party-list solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinuturing ni Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas na isang magandang balita ang ulat na posibleng ilipat na ng Indonesia ang kustodiya kay Mary Jane Veloso sa Pilipinas.

Sa isang sulat na inilabas noong November 11, kinumpirma ng Coordinating Ministry for Legal, Human Rights, Immigration, and Correction ng Indonesia na nagpulong sina minister Yusril Ihza Mahendra at Philippine Ambassador to Indonesia Gina Alagon Jamoralin tungkol sa kaso ni Veloso.

Sakaling pagbigyan, ililipat sa Pilipinas ang kustodiya ni Veloso at dito na niya isisilbi ang hatol na ibinaba ng Indonesia government.

“We welcome this development from the Indonesian government as a major breakthrough that could finally bring Mary Jane home after 14 years of unjust detention,” ani Brosas

Dahil dito nanawagan ang progressive solon sa administrasyong Marcos na agad plantsahin ang diplomatic negotiations kasama ang Indonesia habang tinitiyak na maprotektahan pa rin ang karapatan ni Veloso oras na maibalik sa bansa.

Kasama na dito ang pagpapanagot sa kaniyang mga recruiter na nagpahamak sa kaniya.

“The government must ensure that once Mary Jane is transferred, she will be treated with dignity and given access to support services as a trafficking victim. Once transferred, the government must also grant clemency to Mary Jane. Her case against her recruiters must also proceed to give her justice and prevent similar incidents from happening to other Filipino women,” sabi pa ni Brosas.

2010 nang maaresto si Veloso matapos mahulihan ng 2.6 kilograms ng heroin sa kaniyang bagahe. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us