Sapat na pondo pantugon sa mga darating na bagyo, kalamidad sa Pilipinas, siniguro ng Malacañang.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi dapat mag-alala ang publiko kaugnay sa pondo ng pamahalaan, pantugon sa mga biktika ng bagyo o iba pang kalamidad sa bansa.

Ayon kay PCO Acting Secretary Cesar Chavez, ito ay dahil una nang tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na mayroon pang sapat na pondo ang pamahalaan para dito.

Sabi ng kalihim, dahil sa magkakasunod na sama ng panahong pumasok sa Pilipinas, natural lamang na magamit nang husto at maubusan ng Quick Response Fund ang mga departamento ng pamahalaan, lalo na iyong mga nangunguna sa pagtugon sa pinsalang iniiwan ng bagyo.

Gayunpaman, hindi aniya ito dapat ipangamba ng mga Pilipino, dahil mayroong mapaghuhugutan ng karagdagang pondo ang gobyerno.

Ayon kay Secretary Chavez, kumpiyansa ang pamahalaan na kakayaning matugunan ng DBM ang kailangang pondo para sa mga susunod pang bagyo hanggang matapos ang taon.

“Historically, as early as October, sometimes September, yung calamity fund ng national at ng mga local nauubos na siya. Pero laging may pagkukunan ng pondo ang gobyerno at meron tayong assurance mula kay DBM, na meron tayong sapat na pondo para sa mga susunod na kalamidad hanggang sa katapusan ng Disyembre. May pondo tayo para sa sa pag-aaddress at response ng gobyerno para sa calamity.” – Secretary Chavez. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us