Sinimulan na ng mga pari, layco, madre, at ibang personalidad ang pagpapakilala ng Clergy for Good Governance

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ito ay para tugunan ang iba’t ibang isyu na kinakaharap ng bansa na may kinalaman sa moralidad, espiritwal, at maging pulitikal.

Ang Clergy of Good Governance ay binubuo ng 211 na mga pari sa buong bansa.

Bago ang launching, isang misa ang ginawa sa Immaculate Concepcion Cathedral sa QC na dinaluhan ng iba’t ibang personalidad tulad nina dating DICT Sec. Eliseo Rio at dating Agriculture Asec. Kristine Evangelista.

Ayon kay Fr. Joel Saballa, isa sa mga bumubuo ng Clergy for Good Governance, nagsimulang mabuo ito noong nakalipas na Oktubre para buhayin ang dati nilang samahan na Clergy for Moral Choice for Good Governance.

Layunin ng Clergy for Good Governance na tugunan ang pangangailangan ng taumbayan, isulong ang kapakanan ng nakararami, at itaguyod ang aral ng simbahan.

Kasama rin sa pagtutuunan nila ay ang makatarungan at maayos na pamamahala kaugnay ng nalalapit na 2025 midterm elections.

Inilahad din nila ang pitong panawagan sa pamahalaan at taumbayan kung saan kabilang dito ang pagsusulong ng mabuting pamamahala, komprehensibong electoral reforms, paglaban sa political dynasty, laban sa kurapsyon, respeto sa karapatang pantao, proteksyon sa kapaligiran, at soberenya sa West Philippine Sea. | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us